Sep
2007
walang kwentang tula
Well, my prof in Filipino told us to make a poem composition.
(Musta naman yon? ‘Di nga ako magaling sa Filipino, mas okay ako gumawa kapag English
)
“Ako ay Ako”
kung tutuusin
simple lng ako kung susuriin
mala-patpat ang bisig
pero may pagkamakisig
mata ko daw ay nakaka-akit
pero may pagkamasungit
buhok ko ay itim na mahaba
ngunit galaw ay di na-aribba!
pa easy-easy sa buhay
pagkat ito’y puno ng kulay
di ramdam na pasan ang mundo
dahil alam kong nandiyan ka lng sa kanto
may mga oras na ako’y tahimik
lumapit ka man sa tabi, ako’y di iimik
pero subukan mong ako’y hagkan
tiyak na malalaman mong higit kitang kailangan
tanda ko pa ng araw na iyon
pilit kitang tinataboy papunta doon
ako’y nangulila ng sandaling iyon
pero nabuhayan ng gumawa ka ng aksyon
ako’y payak at di perpekto
isip bata man sa tingin ng mga tao
pero sa sandaling kinailangaan mo ko
walang isip-isip, nandiyan agad ako









